1.The Opening

  1. Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
  2. LuwalhatiinsiAllah, angTagapanustos atTagapagtangkilik ng lahat ng mga nilalang
  3. Ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain
  4. Ang Panginoon (o Hukom) sa Araw ng Paghatol
  5. Kayo lamang ang aming sinasamba, at Kayo lamang ang aming hinihingan ng kalinga
  6. Inyong patnubayan kami sa Matuwid na Landas
  7. Sa landas ng mga ginawaran Ninyo ng Inyong mga biyaya at hindi sa landas na umaani ng Inyong pagkapoot, gayundin naman ay hindi sa landas ng mga napaligaw sa patnubay