112.Sincerity

  1. Ipagbadya (o Muhammad): Siya si Allah, ang Tangi at Nag-iisa
  2. Allah-us-Samad! Ang Walang Hanggan, ang Sakdal at Ganap (ang may Sariling Kasapatan, ang lahat ng mga nilalang ay umaasa sa Kanyang pagtataguyod, datapuwa’t Siya ay hindi kumakain o umiinom)
  3. Hindi Siya nagkaanak at hindi rin Siya ipinanganak
  4. At walang anumang sa Kanya ay makakatulad