114.Mankind

  1. Ipagbadya: Ako ay naghahanap ng Kaligtasan (kay Allah), ang Panginoon at Tagapagtangkilik ng sangkatauhan
  2. Ang Hari (o Tagapamahala) ng sangkatauhan
  3. Ang Ilah (diyos) ng sangkatauhan
  4. Mula sa kasamaan at kabuktutan ng isang bumubulong (ang demonyo na bumubulong sa puso ng mga tao), na kagyat na lumilisan sa kanyang pagbulong (sa puso ng tao, kung ang binubulungan ay nakaala-ala kay Allah)
  5. Na bumubulong sa mga dibdib ng sangkatauhan
  6. Ng mga Jinn (mga nilikha ni Allah na katulad ng mga tao na may kalayaan na sumunod o sumuway sa pag-uutos ni Allah, datapuwa’t nakalingid sa atin), at mga Tao. [Tunghayan ang Surah 72 (Al-Jinn) para sa karagdagang kaalaman