15.The Rock

  1. Alif, Lam, Ra (mga titik A, La, Ra). Ito ang mgaTalata ngAklat, at isang maliwanag na Qur’an
  2. Marahil (ay malimit) na ang mga hindi sumasampalataya ay nagnanais na sila sana ay naging mga Muslim (sila na nagsuko ng kanilang sarili sa Kalooban ni Allah, sa Kanyang Kaisahan at sa Islam), ito (ang kalagayan) sa Araw ng Muling Pagkabuhay kung kanilang mapagmamalas ang mga hindi sumasampalataya na patungo sa Impiyerno (at ang mga Muslim ay patungo sa Paraiso)
  3. Hayaan sila na kumain at magpakasaya, at hayaan sila na maging abala (sa huwad) na pag-asa. (Ito ay) kanilang mapag-aalaman
  4. At kailanman ay hindi Namin winasak ang isang bayan malibang may hayag (o nakatakdang) kautusan dito
  5. walang bansa (pamayanan) ang makakaasam (ng natataningang panahon) na ito ay mauna, o maantala kaya
  6. At sila ay nagsasabi: “Ikaw (o Muhammad) na pinagpahayagan ng Dhikr (ang Qur’an)!, katotohanang ikaw ay isang taong baliw (o inaalihan ng masama)
  7. Bakit hindi ka magpadala ng mga anghel sa amin kung ikaw ay isa sa mga nagsasabi ng katotohanan
  8. Hindi Namin isinusugo ang mga anghel maliban na sila ay may dalang katotohanan (alalaong baga, tungkol sa kaparusahan, atbp.), at sa gayong pangyayari (kalagayan), sila (ang mga hindi sumasampalataya), ay hindi bibigyan ng palugit
  9. Katotohanang Kami; (at) Kami, ang nagpapanaog ng Dhikr (alalaong baga, ang Qur’an) at buong katiyakan na ito ay Aming pangangalagaan laban sa kabulukan (at katiwalian)
  10. Katotohanang nagsugo Kami ng mga Tagapagbalita na una pa sa iyo (o Muhammad) sa lipon ng mga sekta (mga pamayanan) noong panahong sinauna
  11. At walang isa mang Tagapagbalita na dumatal sa kanila ang hindi nila tinuya
  12. Kaya’t hinayaan Namin ito (ang pagsamba sa mga diyus- diyosan at kawalan ng pananalig) ay magsipasok sa puso ng Mujrimun (mga buhong, buktot, pagano, walang pananalig sa Kaisahan ni Allah, atbp., dahilan sa kanilang panunuya sa mga Tagapagbalita)
  13. Sila ay hindi sasampalataya rito (ang Qur’an), at nangyari, na ang halimbawa (ng kaparusahan ni Allah) sa mga unang tao (na hindi nanampalataya) ay sumapit (sa kanila)
  14. At kahit na buksan Namin ang Tarangkahan mula sa langit at doon sila ay magpatuloy na umakyat
  15. Katiyakang sila ay magsasabi: “Ang aming mga mata ay nilasing. Hindi, kami ay mga tao na ginaway (ng mangkukulam).”
  16. At katotohanang ibinitin Namin sa kalangitan ang malalaking bituin, at ginawa Namin ito na marikit sa mata ng mga nagmamasid
  17. At katotohanang binabantayan Namin ang mga yaon sa bawat isinumpang Satanas
  18. Maliban sa kanya (na masama o demonyo) na nakakarinig nang mainam sa pamamagitan ng pagnanakaw, siya ay tinutugis ng maliwanag na apoy na nagniningas
  19. At Aming inilatag ang kalupaan at Kami ay naglagay dito ng matatatag na kabundukan, at hinayaan Namin na magsitubo rito ang lahat ng uri ng mga bagay sa ganap na sukat
  20. At naglagay Kami rito ng lahat ng panggagalingan ng ikabubuhay, - sa inyo at para sa lahat ng mga hindi ninyo tinatangkilik (mga ibang nilikha tulad ng mga hayop, insekto, atbp)
  21. At walang anumang bagay (sa santinakpan) ang hindi mula sa Amin ang kanilang ikinabubuhay. At hindi Namin ipinanaog ito maliban sa ganap na sukat
  22. At ipinadala Namin ang hangin na nagtatanim (ng tubig sa mga ulap) upang ang ulan ay mamalisbis mula sa alapaap tungo sa kalupaan, at ibinigay Namin ito sa inyo bilang inumin, at hindi kayo ang nagmamay-ari ng kanilang pinagkukunan (alalaong baga, wala tayong karapatan na magbigay ng tubig sa sinumang ating naisin o ipagkait ito sa sinumang ating naisin)
  23. At katotohanang Kami! Kami ang tagapagbigay ng buhay at nagkakaloob ng kamatayan, at Kami ang Tagapagmana (matapos ang lahat ay pumanaw)
  24. At katotohanang batid Namin ang inyong mga unang henerasyon na nagsipanaw, at walang pagsala na nababatid Namin ang inyong kasalukuyang henerasyon (ng sangkatauhan), gayundin ang darating na mga henerasyon
  25. At katotohanang ang inyong Panginoon ang magtitipon sa inyo nang sama-sama. Katotohanang Siya ang Ganap na Maalam, ang Lubos na Nakakabatid ng lahat
  26. At katotohanang nilikha Namin ang sangkatauhan mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
  27. At ang Jinn, Na Aming nilikha noon pang una mula sa lagablab ng apoy na walang usok
  28. At alalahanin nang ang iyong Panginoon ay nangusap sa mga anghel: “Ako ay lilikha ng isang tao (Adan) mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa
  29. Kaya’t nang siya ay Aking matapos nang ganap, at nang Aking maihinga sa kanya (Adan) ang kaluluwa na Aking nilikha para sa kanya, ngayon, kayo (mga anghel) ay lumuhod at magpatirapa sa kanya (bilang paggalang at hindi pagsamba).”
  30. Kaya’t ang mga anghel ay nagpatirapa (nagbigay galang) sa kanya, silang lahat nang sama-sama
  31. Maliban kay Iblis (isa sa lipon ng mga Jinn), - siya ay tumanggi na magpatirapa
  32. Si Allah ay nagwika: “o Iblis! Ano ang iyong dahilan upang ikaw ay hindi sumama sa mga nagpatirapa?”
  33. Si Iblis ay nagsabi: “Hindi ako ang isa na magpapatirapa sa harapan ng isang tao, na Inyong nilikha mula sa putik (na lumilikha ng tunog kapag natuyo na), mula sa hinubog na maitim at madulas na lupa.”
  34. Si (Allah) ay nagsabi: “Kung gayon, ikaw ay lumayas dito, sapagkat katotohanang ikaw ay Rajim (isang isinumpa o itinaboy).”
  35. At katotohanang ang sumpa ay sasaiyo hanggang sa Araw ng Pagbabayad (alalaong baga, ang Araw ng Muling Pagkabuhay).”
  36. Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon! Ako ay bigyan Ninyo, kung gayon, ng palugit hanggang sa Araw na sila (ang mga patay) ay ibabangon.”
  37. Si Allah ay nagwika: “Kung gayon, katotohanang ikaw ay isa sa mga pinalugitan
  38. Hanggang sa Araw ng natatakdaang panahon.”
  39. Si (Iblis) ay nagsabi: “o aking Panginoon, dahilan sa ako ay Inyong iniligaw, katotohanang aking gagawing marikit ang landas ng kamalian para (sa sangkatauhan) sa kalupaan, at sila ay aking ililigaw na lahat
  40. Maliban sa Inyong pinili (pinatnubayang) mga alipin sa kanilang lipon.”
  41. Si (Allah) ay nagwika: “Ito ang Landas na patungo ng tuwid sa Akin.”
  42. Katotohanan, ikaw ay walang kapamahalaan sa Aking mga alipin, maliban sa mga sumusunod sa iyo (Iblis) na mula sa Ghawin (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buhong, buktot, kriminal, mapaggawa ng kamalian, atbp)
  43. At katotohanang Impiyerno ang nakalaang lugar para sa kanilang lahat
  44. Ito (ang Impiyerno) ay may pitong tarangkahan, at sa bawa’t isa sa mga tarangkahang ito ay may (natatanging) uri ng masasama na nakatalaga
  45. Katotohanan, ang Muttaqun (mga matutuwid at mabubuting tao) ay mapapagitna sa mga Halamanan at mga bukal ng tubig (Paraiso)
  46. (At sa kanila ay ipagbabadya): “Magsipasok kayo sa loob (ng Paraiso), sa kapayapaan at katiwasayan.”
  47. At papalisin Namin sa kanilang puso ang anumang bahid ng kapinsalaan (na mayroon sila). Sila ay mahahalintulad sa mga magkakapatid (na buong lugod) na nagtitinginan sa isa’t isa sa matataas na diban
  48. walang bahid ng pagkapagal ang sasapit sa kanila, at gayundin naman, kailanman, sila ay hindi pagsasabihan na lumisan doon.”
  49. Ipagbadya mo (o Muhammad) sa Aking mga alipin, katotohanang Ako ay Lagi nang Nagpapatawad, ang Pinakamaawain
  50. At ang Aking pagpaparusa ay katotohanang pinakamatinding parusa
  51. At isalaysay mo sa kanila ang tungkol sa mga panauhin (mga anghel) ni Abraham
  52. Nang sila ay magsituloy sa kanya, at nagsabi: “Salaman” (Sumainyo ang kapayapaan)! Si (Abraham) ay nagsabi: “Tunay na kami ay natatakot sa inyo!”
  53. Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Huwag kang matakot! Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng isang batang lalaki (anak) na nagtataglay ng maraming kaalaman at karunungan.”
  54. Si (Abraham) ay nagsabi: “Ako ba ay binibigyan ninyo ng magandang balita ng isang anak na lalaki kung ang katandaan ay sumapit na sa akin? Sa anong dahilan kung gayon ang inyong balita?”
  55. Ang (mga anghel) ay nangusap: “Kami ay nagbibigay sa iyo ng magandang balita ng may katotohanan. Kaya’t huwag (kang) maging isa sa mga nawawalan ng pag-asa.”
  56. Si (Abraham) ay nagsabi: “At sino ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng kanyang Panginoon maliban lamang sa mga napapaligaw (sa tuwid na landas)?”
  57. Muli si (Abraham) ay nangusap: “Ano baga kung gayon ang inyong sadya kung bakit kayo ay naparito, o mga Tagapagbalita?”
  58. Ang (mga anghel) ay nagsabi: “Kami ay ipinadala sa isang pamayanan (mga tao) na Mujrimun (mga buhong, buktot, walang pananalig, mapagsamba sa mga diyus-diyosan, makasalanan, atbp)
  59. (Silang lahat) maliban sa pamilya ni Lut. Kaya’t sila (ang lahat ng pamilya ni Lut), ay tiyak Naming ililigtas (sa pagkawasak)
  60. Maliban sa kanyang asawa, na Aming ipinag-utos (itinakda) na mapabilang doon sa mga mananatili sa likuran (alalaong baga, siya ay wawasakin).”
  61. Kaya’t nang ang mga Tagapagbalita (mga anghel) ay dumatal sa pamilya ni Lut
  62. Siya ay nagsabi: “Katotohanan! Kayo ay mga tao na hindi ko kilala.”
  63. Sila ay nagsabi: “Hindi, kami ay naparito sa iyo na may dalang (kaparusahan) na kanilang pinag-aalinlanganan
  64. At dinala namin sa iyo ang katotohanan (ang balita nang pagkawasak ng iyong pamayanan), at katiyakan, na kami ay nagsasaysay ng katotohanan
  65. Kaya’t maglakbay ka na kasama ang iyong pamilya sa ilang bahagi ng gabi, at ikaw ay lumagay sa kanilang likuran, at huwag hayaan ang sinuman sa inyo ay tuminging pabalik (sa likuran), subalit tumungo kayo kung saan kayo ay pinag-utusan.”
  66. At ginawa Namin na kanyang (Lut) maalaman ang pag-uutos na ito, na ang ugat ng mga (makasalanan) ay puputulin sa madaling araw
  67. At ang mga naninirahan sa lungsod ay nagsilabas na nangagagalak (sa balita ng pagdating ng mga binata)
  68. Siya (Lut) ay nagsabi: “Katotohanang sila ay aking mga panauhin, kaya’t ako ay huwag ninyong bigyan ng kahihiyan
  69. At pangambahan ninyo si Allah, at ako ay huwag ninyong alisan ng karangalan (kapurihan).”
  70. Sila (ang mga tao ng lungsod) ay nagsabi: “Hindi baga pinagbawalan ka na namin (na ikaw ay mag-asikaso o mangalaga) sa alin man sa A’alamin (mga tao, mga banyaga, mga naiiba, atbp., mula sa amin)?”
  71. Siya (Lut) ay nagsabi: “Sila (ang kababaihan ng pamayanan) ay aking mga anak na babae (na maaari ninyong pakasalan), kung inyong nais.”
  72. Katotohanan, sa pamamagitan ng iyong buhay (O Muhamamd), sila ay nasa malalang pagkalasing, sila ay mga bulag na nagsisipangalat
  73. Kaya’t ang (nakatakdang) Sigaw ay dumaklot sa kanila sa oras na sumisikat na ang araw
  74. At Aming itinaob (ang mga bayan ng Sodom sa Palestina) na pabaligtad at pinaulan Namin sa kanila ang mga bato na yari sa hinurnong putik
  75. Katotohanan! Naririto ang mga Tanda sa mga tao na nagmamasid (o nakakaunawa o nakakakuha ng aral sa mga Tanda ni Allah)
  76. At katotohanan! (Ang mga lungsod na ito) ay nasa tabi lamang ng pangunahing daan (mula sa Makkah hanggang Syria, alalaong baga, ang lugar kung saan naroroon ang Patay na Dagat [Dead Sea)
  77. Katotohanan! Tunay na naririto ang isang Tanda sa mga sumasampalataya
  78. At ang mga naninirahan sa Kakahuyan (alalaong baga, ang pamayanan ng Midian kung saan si Propeta Shuaib ay isinugo ni Allah), ay isa ring Zalimun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, buktot, tampalasan, mapaggawa ng kamalian, atbp)
  79. Kaya’t Kami ay naghiganti sa kanila. Sila ay kapwa nasa maluwag at pangunahing daan na madaling makita
  80. At katotohanan, ang mga naninirahan sa Al-Hijr (ang mabatong landas) ay nagtakwil sa mga Tagapagbalita
  81. At ibinigay Namin sa kanila ang Aming mga Tanda, datapuwa’t sila ay tutol (salungat) dito
  82. At sila, noon pa man, ay tumatabtab (sumisibak, o umuukit) ng (kanilang) tahanan sa gilid ng kabundukan (at nag-aakala sa kanilang sarili) na sila ay ligtas
  83. Datapuwa’t (ang nakatakdang ) Sigaw ay sumakmal sa kanila sa madaling araw (sa ika-apat na araw ng kanilang nakatakdang kaparusahan)
  84. At ang lahat ng kanilang kinita ay hindi nakatulong sa kanila
  85. At hindi Namin nilikha ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng nasa pagitan nito maliban sa katotohanan, at ang Oras ay walang pagsalang daratal, kaya’t suklian mo (o Muhammad) ang kanilang kamalian ng maraming pagpapatawad. [Ito ay bago pa ipag-utos ang Jihad (Banal na Digmaan]
  86. Katotohanan, ang iyong Panginoon ay Siyang Manlilikha, na Lubos na Nakakaalam
  87. At tunay nga, na Aming ipinagkaloob sa iyo ang pitong Al-Mathani (ang pitong talata na laging inuulit [dinadalit], alalaong baga, ang Surat Al-Fatiha [Pambungad na Kabanata] ng Dakilang Qur’an
  88. Huwag mong pagmasdan ng may paghahangad ang mga bagay na Aming ipinagkaloob sa ilang piling tao sa kanila (ang mga hindi sumasampalataya), gayundin ay huwag kang manimdin sa kanila. At ibaba ang iyong pakpak sa mga sumasampalataya (maging magalang at mapagbigay sa iyong kapwa mananampalataya)
  89. At ipagbadya: “Ako ay tunay na isang lantad na tagapagbabala.”
  90. Sapagkat Aming ipinanaog sa mga magkakabukod (mga paganong Quraish, o mga Hudyo at mga Kristiyano)
  91. Na gumawa sa Qur’an sa maraming bahagi (alalaong baga, naniniwala sa ilang bahagi nito at hindi naniniwala sa iba)
  92. Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Panginoon (o Muhammad), katiyakang silang lahat ay Aming tatawagin upang magsulit
  93. Sa lahat nilang ginagawa
  94. Kaya’t(iyong) ipagbadyananghayagan(ang Mensaheni Allah, ang Islam), na sa iyo ay ipinag-utos at tumalikod ka sa Al-Mushrikun (mga mapagsamba sa diyus-diyosan, pagano, naniniwala sa mga imahen, walang pananampalataya sa Kaisahan ni Allah, makasalanan, atbp)
  95. Katotohanan! Kami ay gagabay sa iyo laban sa mga mapangutya
  96. Na nagtuturing ng ibang diyos maliban pa kay Allah, (tunay nga) na mapag-aalaman nila
  97. Katotohanang batid Namin na naninikip ang iyong dibdib dahilan sa kanilang sinasabi
  98. Kaya’t iyong ipagbunyi ang mga papuri ng iyong Panginoon at maging isa sa mga nagpapatirapa ng kanilang sarili (sa Kanya)
  99. At sambahin mo ang iyong Panginoon hanggang sa sumapit sa iyo ang natatakdaang oras (alalaong baga, ang kamatayan)